KAIBIGAN - Sila yung mga kapatid mo sa ibang nanay...
KAIBIGAN ?
Sila yung mga taong tatawanan ka pag nadapa ka, babatukan ka pag nagkamali ka, iinsultuhin ka pag di ka maganda pumorma. Sila yung mga taong wala nang ibang ginawa kundi utuin ka pag may pera o pagkain ka, papasok sa bahay nyo ng basta-basta, kakantyawan ka pag may crush ka, at higit sa lahat, papagalitan ka pag may ginawa kang hindi maganda.
Hindi ba’t nakakatuwa? Kasi kahit paminsan minsan eh pabaya ka, meron pa ring gaya nila. Hindi ba’t nakakataba ng puso, kasi may mga taong kahit hindi ka man kadugo eh ang turing pa rin sa’yo ay parang parte ng kanilang pamilya?
Pero bakit ganon? Bakit minsan eh hindi natin sila makita? Oh sabihin man nating nakikita natin sila, bakit hindi man lang natin sila magawang pasalamatan?
Sabagay… Minsan kasi sa ibang tao tayo mas nakatingin. Minsan pa nga, pag nagkaroon tayo ng girlfriend o boyfriend, yung mga kaibigan pa natin yung nakakalimutan natin. Tapos akala natin kapag iniwan tayo ng mga syota natin eh katapusan na natin sa mundong ibabaw. Minsan sasabihin at iisipin mo pang “WALA NA AKONG PAG-ASA, AYOKO NA MABUHAY!”. Ni hindi mo man lang napapansin na may mga tao sa paligid mo na nag-aalala sa’yo pag broken-hearted ka. Ni hindi mo man lang naa-appreciate yung effort nila na mag-isip ng advice na mala-telenovela ang haba para lang matauhan ka. Ang masakit pa nun, pati sila sinisisi mo pa.
Bakit? Kasalanan ba nilang eengot engot ka? Kasi ni hindi mo man lang nakita kung sino ang mga taong sa’yo ay tunay na nagpapahalaga?
Hay naku. Di’ba ang sakit kapag tinatamaan ka? Kasi deep inside, alam mong tama ako at mali ka. Kaya ngayon, habang may pagkakataon pa, china-challenge kita!
Bakit hindi ka lumapit sa kanila? I-text mo, i-chat mo. Aba! Gamitin mo ang teknolohiya!
Magpasalamat ka sa kanila habang may chance pa… Magpasalamat ka, kasi wala ka sa kinalalagyan mo ngayon kung hindi dahil sa kanila.
Magpasalamat ka kasi kahit hindi man perpekto ang tunay mong pamilya, marami ka namang kaibigan na maituturing mong kapatid sa ibang ina.
nice one :)
ReplyDelete